Wednesday, February 18, 2015

These are the things I am thankful for

I am thankful for my life, for a conflict free life that I am having right at this very moment.
for the things I am learning through my daily experiences, other people do not have time to learn and just be mad at the whole process
for the meals I am having each day, other people do not have the privilege of having meals on a daily basis
for my senses and the strength to walk and to allow me to do the things I have to do, other people are fighting for every breath they take in a hospital
for the bed that I slept in last night, other people have no place to stay in
for the good night sleep, other people struggle in getting enough of sleep due to sickness or depression
for the great rapport I am with the people I live with, other people do not want to go home because of the chaos that are happening in their homes
for the daily provisions that makes my life comfortable, other people have no means to provide for themselves
Thank you God for your protection and guidance.

DarkKnight RF

Monday, February 16, 2015

Munting Panalangin ng Pag-asa


Ama namin na gumawa ng lahat, muli akong lumalapit sa inyo at nagpapakumbaba upang sumasampalataya at magpasalamat sa kung anong meron ako sa buhay ko sa mga oras na ito. Patawarin ninyo po kami sa aming pagkakasala. Patatagin Ninyo po sana ang kalooban ko na manatiling kumapit lamang sa inyong anak na si Hesu Kristo ang aming tagapagligtas. Sya lamang ang tamang daan patungo sa inyo wala ng iba. Sa kanya lang po namin makikita ang tunay na kahulugan ng aming buhay sa pamamagitan ng kanyang katotohanan. Bale-wala ang lahat ng meron kami kung hindi rin kami kakapit at aasa sa Kanya. Dahil po sa katapusan ng lahat, si Hesus lamang ang mahalaga. Kaya po itinataas ko sa inyo ang mga kapatid ko at ang kani-kanilang pamilya na hipuin mo ang kanilang puso at isipan upang magkaroon sila ng pagka-uhaw sa presensya ninyo. Unti-unting ilapit nila ang mga sarili nila sa inyo kasama ang kanilang pamilya para magkaroon sila ng tunay na kapayapaan at ilaw sa kanilang buhay, na sa inyo lamang matatagpuan. Sapagkat ang kapayapaan na naidudulot ng kamunduhan ay hindi nagtatagal at kayang kayang bawiin ng mundo sa amin. Samantalang ang kapayapaan na nanggagaling sa inyo na hindi maipaliwanag ng isip ay babantayan maigi ang aming mga puso at isipan sa ngalan ni Hesus. Maraming salamat sa buhay na ibinigay ninyo na syang nagtatalaga ng oras at panahon para ayusin ang aming buhay. Ikaw po Hesus ang huling hantungan ng aming desisyon na aming Diyos at tagapagligtas sa tulong at pag-gabay ng Santo Espirito sa araw-araw, mahal po namin kayo. Amen 

DarkKnight RF