Saturday, November 28, 2015

Mga bagay na aking pinapasalamatan sa araw na ito.

Panginoon maraming salamat po sa biyayang ibinigay Nyo sa amin sa araw-araw
Salamat po sa pagpapatawad nyo sa aming mga sala ng walang sawa. Huwag po sana naming masagad ang grasya at awa ninyo sa amin.
Salamat po sa kalusugan ko na madalas kong kalimutan pasalamatan sa inyo
Salamat po sa lahat ng biyaya ninyo sa pang araw-araw na pangangailangan
Salamat po sa tamang pagiisip na may kapasidad na pumili ng tamang desisyon para sa buhay namin
Salamat po at nakakapag linkod ako sa inyo sa mga volunteer programs na sinasalihan ko, para lahat po iyong sa kaluwalhatian nyo magpasawalang hanggan
Salamat po sa mga oras na napapagaralan namin ang iyong mga salita para mahubog ang makasalanan naming kalooban.
at higit sa lahat maraming maraming salamat Panginoong Hesus sa pagbigay nyo ng buhay nyo para sa aming kasalanan. Kayo ang una at huli, Alpha and Omega. Ang bugtong na anak na Makapangyarihang Ama. Mahal po namin kayo! 

No comments:

Post a Comment