Monday, May 21, 2018

Panalangin ng pagsisisi




Ama na gumawa ng lahat ng kalikasan at ng sanlibutan. Maraming salamat sa buhay na ibinigay nyo sa akin, sa mga biyaya na iyong ipinamamalas sa akin. Lumalapit kami at nagpapakumbaba kami sa Inyo  humihingi ng tawad sa aming mga kasalanan, patawarin N'yo po kami sa mga oras na mapusok ang mga salita namin sa kapwa halos paslangin namin ang ibang tao sa masasakit na salita na ayon sa sampung utos mo, Huwag kaming papatay. Patawarin nyo po kami kapag ang tingin namin sa sarili ay mas mataas o mas magaling o mas matalino sa iba, sabi sa iyong mga salita kinasusuklaman mo ang mga mapagmataas. Patawarin N'yo po kami sa mga reklamo namin sa pagtahak namin sa araw-araw imbes na magpasalamat sa mga nakamit namin sa buong araw na galing sa Iyong awa sa amin at sa mga pamilya namin. Patawarin N'yo kami Ama sa mga bulok na pagiisip namin na puno ng galit sa kapwa lalong lalo na sa mga mahal namin sa buhay; mga kapatid, kamag-anak, asawa, mga anak, ka trabaho, sa mga kasama sa simbahan. Patawarin mo kami dahil wala kaming oras na manahimik at antayin ang Iyong presensya sa twing pagkatapos namin magdasal. Kalimitan puro hingi ang aming idinadasal imbes na panalangin na pagsamba sa Inyo dahil sabi mo sa iyong salita kung uunahin namin kayo lahat ng kailangan namin ay ipagkakaloob mo dahil alam mo ang lahat ng aming pangangailangan. Maraming salamat sa kabaitan Ninyo sa amin sa pagbigay ng Iyong anak na si Hesus para iligtas kami sa lahat ng aming kasalanan at linisin kasing puti ng niyebe. Itinataas po namin ang Iyong pangalan Ama sa pangalan ni Hesu Kristo. Amen

No comments:

Post a Comment