Friday, May 18, 2018

Panalangin ng pasasalamat




Ama na Makapangyarihan sa pangalan ni Hesus ang iyong bugotng na anak na tagapagligtas namin. Patawarin Nyo po kami sa aming mga kasalanan, lumalapit po kami sa inyo sa mapagkumbabang puso, bigyan nyo po kami ng grasya at awa upang makuha naming akuin ang pagbabago ng puso namin na ayon sa inyong kalooban.

Maraming Salamat po sa araw na ito sa pag gising namin sa umaga upang harapin ang panibagong araw. Maraming Salamat po sa kaarawan ko, simula pa nung ako ay pinanganak alam kong pinapatnubayan ninyo ako palagi, minsan naliligaw pero ganon pa man itinatama Nyo pa rin ako na pumunta sa tamang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Maraming Salamat sa pamilya namin sa mga kapatid ko na tumutugon sa ano mang tulong na kailangan ko. Maraming Salamat po sa mga kaibigan ko na nagdadasal para sa akin. Patnubayan mo po ako sa araw na ito balewala ang kakayahan ko kung hindi ko rin kayo kasama sa araw-araw. Gabayan at pagpalain Nyo kami palagi kahit kami ay nagkakamali at binabali ang katapatan sa Inyo. Pasalamat kami dahil tapat pa rin kayo sa pag hango sa amin sa inyong piling kahit na kami ay nagagawi sa ligaw na landas. Mahal po namin Kayo sa pangalan ng inyong anak na si Hesus itinataas po naming sa Iyo ang lahat. Amen

No comments:

Post a Comment