Monday, January 21, 2013

Kaya mo nga ba magpatawad?





Totoo bang marunong tayo magpatawad? Kaya ba natin gawin yon mag-isa? O kailangan din natin ng tulong upang makapag-patawad. At sino naman ang makakatulong sayo kung kailangan mo nga ng tulong? Ganon na lang ba yon patawad na lang? Isang "sorry" lang, plantsado na lahat? Eh pano na yung panglalamang na ginawa sa akin?

Sa totoo lang at buong katapatan, di madali magpatawad, mahirap nyan maalala mo pa ang mga pangyayari sa paglipas ng panahon. "Move on" ang sagot ng iba. Oo nga andun na ako, move on kung move on. Ngunit dahil dun sa nalasap nating katiwalian pwedeng magiba na ang pananaw mo sa buhay at sa kung pano mo tatanggapin ang isang tao kahit walang kinalaman dun sa nang-agrabyado sa yo. Nagiiwan ng bakas na pagsasanayan mong alisin. Isa pa, sa bawat experience mo palagi ng babalik ang kamaliang natikman na ang buong akala mo napatawad mo na. Mahabang proseso ang pagpapatawad merong inaabot ng isang linggo, isang buwan, isang taon o sampung taon minsan pa nga buong buhay. Nakadepende yun sa pagkatao ng magpapatawad hindi sa taong patatawarin.

Magagawa nating magpatawad kung hihingi tayo ng lakas sa Maykapal, kasi kung aakuin natin mahihirapan tayo. Hirap nga tayong patawarin ang mga sarili natin kung minsan, sa iba pa kaya? Ang Diyos Ama ang makakatulong sa atin sa pangalan ni Hesus at sa patnubay ng Santo Espirito. Kasi kailangan mo rin humingi ng tawad, makasalanan ka rin di ba? Madaling sabihin ang magpatawad pero alam ko mahirap pa rin gawin. Kesa naman maging miserable ka habang buhay bitawan mo na lang ang makakapag pabigat ng kalooban mo at araling magpatawad.

Pero kung iisipin natin, sa pagpapatawad ikaw rin ang makikinabang dahil magkakaroon ka na ng kapayapaan sa puso mo at isipan. Handa ka na muling iparanas ang pagmamahal sa sarili at sa kapwa, bukas ka sa panibagong posibilidad. Sa pagpapatawad dun mo lang malalaman kung gaano ka dapat mag-ingat na hindi ka makasakit ng damdamin ng iba. Sa tuwing makakasakit ka nasasaktan mo rin ang sarili mo, dahil bukod sa babalik din sa yo ang lahat ng gawin mo sa kapwa mo. Meron ka pang guilt na dala-dala, maliban na lang siguro kung wala ka talagang konsensya.

Hindi ako naniniwala sa mga taong walang konsensya dahil lahat tayo meron non. Kaya kung hindi madali sa yo ang magpatawad wag ka ring manakit ng iba.

Dark Knight R.F.



Sunday, January 20, 2013

Mga bagay na aking pinasasalamatan

skitzone.com

Panginoon maraming salamat po sa araw na ito na may napakagandang umaga at maayos na kalakasan sa pag-gising ko 
sa pagpatnubay ninyo at pagbigay ng biyaya n'yo sa akin at sa aming pamilya
sa pagbigay ninyo sa amin ng pangaraw-araw na proteksyon sa sakit at sa mga makakasakit sa amin
sa pag-akay ninyo sa amin sa tuwing naliligaw kami sa pagiisip at sa mga maling gawain, maraming salamat sa pagpapatawad ninyo sa amin, mahal namin kayo
sa mga pagkain, mga damit at mga bagay na kailangan namin sa pang araw-araw
sa mga trabaho namin na patuloy nyong pinananatili na nagbibigay sa amin ng pagasa at para na rin  mayroon kaming maipapamahagi sa mga nangangailangan
salamat po at mayroon kaming tinutuluyan na bahay at hindi sa kalsada o kung san man abutin 
sa pagmamahal at pag udyok nyo sa amin na manatiling kumapit sa pagasa at ibigay ang katapatan sa Inyo kahit hindi kami perpekto
sa pagtanggap ninyo sa amin ng buong puso at walang paghusga, kayo ang kahapon, ngayon at bukas namin, kayo lang ang makakaintindi at makakapag-ayos ng aming mga sarili
Maraming salamat po sa pagbigay ninyo ng buhay namin kung hindi sa pahintulot ninyo wala kami, sa Inyo nagmumula ang lahat.


Dark Knight R.F.

Wednesday, January 9, 2013

Peace is enough for me

newclearvision.com

It does not matter where you are right now in your life, Peace is all you want. May you have a lot of stuff or have nothing at all, that is where you are going have to put yourself into, to move along. It is something that we can get even without having to lose our earthly existence first. Whether we are living or dead it's what we are wishing for, for ourselves and others. It is free for all, through the power of our choice.

It is very hard to achieve it because in order to have a sincere and deep Peace we should have to learn how to let go or at the very least minimize and silent if possible our ego down. Ego is what we all have come to believe that is very essential in life but in fact it is the one that takes out life in us. For me it is the opposite of Peace. It generates hate from our need of being always right, our superiority. We think that it is the real and the only way to gain respect.

The moment we feel threaten in the presence of ego, immediately we are going to be overly protective and we send back threats in return. The loudest chant of Ego which is: "survival of the fittest", "dog eat dog", "you can't beat me, I'll  beat you up" mentality. Imagine doing this all your life in everything that you do and in anywhere you go 24/7. Instead of cooperating in making the world a better place to live in. 

Over protective of your possessions, being self-centered. Thinking you know everything is not only tiring it is also at times pointless, because no one knows what the future holds. Especially when a situation comes when all you have prepared to do is wasted because everything did not worked out right based on your expectations. Even in times when you feel like a failure all you can do is to go back to peace.

All the stuff we have or wanting to have needs at least maintenance. If you want something or someone there is somewhat of caring that needs it. Count how many activities we do every single day that pertains to maintenance of our self. Plus all the upkeep that we need to do to all of the other things we want apart from our self.  The more we maintain things all at the same time the less likely we are going to be in the presence of peace. Ironically we think that the only time we can have peace is when we have a lot of stuff. Contradicting isn't it?  I have never had many things in my life, but I am guessing that the more you have the more you will worry about a lot of things sooner or later.

Even when you have little or nothing, being at peace is all you can ever want for yourself. It's the only agreement you can get in your situation otherwise you will be miserable. Peace is the only thing we would want to bring with us on our expiration. The phrase "rest in peace" is not only for our fellow human beings who have passed away it is also for us who are living. We should all be practicing it while we are here. We are all mentally and spiritually struggling almost all the time everyday.

Peace of heart and mind is the most rewarding goal that is invisible to our naked eyes. It is I think the highest goal we should be aiming for. With deep sincerity. If stress jump starts almost all kinds of illness, imagine what peace can do to our body and perspective in our life.

Dark Knight R.F.