my expression of personal thoughts and opinions in assisting myself to raise my own consciousness.
Monday, January 21, 2013
Kaya mo nga ba magpatawad?
Totoo bang marunong tayo magpatawad? Kaya ba natin gawin yon mag-isa? O kailangan din natin ng tulong upang makapag-patawad. At sino naman ang makakatulong sayo kung kailangan mo nga ng tulong? Ganon na lang ba yon patawad na lang? Isang "sorry" lang, plantsado na lahat? Eh pano na yung panglalamang na ginawa sa akin?
Sa totoo lang at buong katapatan, di madali magpatawad, mahirap nyan maalala mo pa ang mga pangyayari sa paglipas ng panahon. "Move on" ang sagot ng iba. Oo nga andun na ako, move on kung move on. Ngunit dahil dun sa nalasap nating katiwalian pwedeng magiba na ang pananaw mo sa buhay at sa kung pano mo tatanggapin ang isang tao kahit walang kinalaman dun sa nang-agrabyado sa yo. Nagiiwan ng bakas na pagsasanayan mong alisin. Isa pa, sa bawat experience mo palagi ng babalik ang kamaliang natikman na ang buong akala mo napatawad mo na. Mahabang proseso ang pagpapatawad merong inaabot ng isang linggo, isang buwan, isang taon o sampung taon minsan pa nga buong buhay. Nakadepende yun sa pagkatao ng magpapatawad hindi sa taong patatawarin.
Magagawa nating magpatawad kung hihingi tayo ng lakas sa Maykapal, kasi kung aakuin natin mahihirapan tayo. Hirap nga tayong patawarin ang mga sarili natin kung minsan, sa iba pa kaya? Ang Diyos Ama ang makakatulong sa atin sa pangalan ni Hesus at sa patnubay ng Santo Espirito. Kasi kailangan mo rin humingi ng tawad, makasalanan ka rin di ba? Madaling sabihin ang magpatawad pero alam ko mahirap pa rin gawin. Kesa naman maging miserable ka habang buhay bitawan mo na lang ang makakapag pabigat ng kalooban mo at araling magpatawad.
Pero kung iisipin natin, sa pagpapatawad ikaw rin ang makikinabang dahil magkakaroon ka na ng kapayapaan sa puso mo at isipan. Handa ka na muling iparanas ang pagmamahal sa sarili at sa kapwa, bukas ka sa panibagong posibilidad. Sa pagpapatawad dun mo lang malalaman kung gaano ka dapat mag-ingat na hindi ka makasakit ng damdamin ng iba. Sa tuwing makakasakit ka nasasaktan mo rin ang sarili mo, dahil bukod sa babalik din sa yo ang lahat ng gawin mo sa kapwa mo. Meron ka pang guilt na dala-dala, maliban na lang siguro kung wala ka talagang konsensya.
Hindi ako naniniwala sa mga taong walang konsensya dahil lahat tayo meron non. Kaya kung hindi madali sa yo ang magpatawad wag ka ring manakit ng iba.
Dark Knight R.F.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment