Wednesday, January 18, 2012

Kapag may kasama, matutong makisama.

by j sasutona, mouth artist

Iba talaga ang pakisamang  pilipino, kilala tayo sa pagiging hospitable. Mataas ang antas natin sa larangan ng pakikisama. Sa pakikipag kaibigan o sa mga handaan, sa Fiesta, sa Birthdays, sa Inuman, tambayan, o kahit ano pang salo-salo meron dyan, the best talaga ang nakagisnan nating kultura. Sa hirap o ginhawa kayang tumawid. Sa katunayan mas sanay nga tayo sa hirap; sa ibang kultura hindi nila maintindihan kapag ang mga pinoy nakakatawa pa sa gitna ng bagyo sa buhay. Sa nabasa kong research non ang pinaka-masayang tao sa mundo hindi sa pinaka-mayaman na bansa kung di sa mahirap na bansa.

Ang ordinaryong mata magtataka kung pano humantong ang resulta sa ganoong pagaaral. Mayaman pero malungkot, mahirap pero masaya? Sa tingin ko nasa pakikisama natin yan sa ating mga sarili. Kapag malakas ang paghusga mo sa sarili mo, malamang ganyan ka rin sa kapwa mo. Sa matuwid na katapatan natin sa sarili malabong kasuklaman natin ang ating kalooban, ganon din sa iba di gano malakas ang paghusga. Pero sa mga nangyayaring pagbabago sa buhay natin, andyan yung magkamali tayo ng desisyon sa buhay, impluwensya ng mga barkada, nandyan din yung mahalo tayo sa ibang kultura dahil sa nakapag ibang bayan.  Sa dahilang makahanap ng mas maliwanag na kinabukasan at mapalawak ang kaalaman o experience, o kahit ano pa mang rason. Nasasaluhan tayo ng ibang pagtingin sa buhay, kung baga ang tubig kapag nalagyan ng kaunting suka nagiiba ang lasa.

Ganon pa man kahit ano pa ang ating palusot, sa atin parin nakasalalay ang desisyon kung anong klaseng pagkatao ang ipaparanas natin sa kapwa. Sa ibang bansa man tayo, o nasa sa sarilng inang bayan, o mismo sa sarili nating mga tahanan, kahit pa sa sarili natin (kapag nagiisa). Palagi tayong mayroong kalayaang pumili ng matuwid na pagkatao. Hindi naman talaga pwedeng ibenta ang excuse natin na “wala akong magawa ganito na ako e” bibilhin mo ba yun? Lahat tayo binigyan ng talino para makapag desisyon ng maayos na pakikitungo sa kapwa. Tamad lang siguro tayong lahat timbangin yun.

Minsan nga ang mga balikbayan kapag nagbakasyon sa Pinas. Ang mga natutunan sundin sa ibang bansa na regulasyon tulad ng halimbawang pagtawid sa tamang lugar ay biglang nakakalimutan. Nakakalungkot don, sa ibang bansa sumusunod sya sa tamang tawiran,  sa sariling bansa hindi. Walang pinagkaiba yan sa mga kasama natin sa ating mga tahanan.  Mas naasikaso natin ang mga taong hindi natin kasama sa bahay kesa sa mga taong kasama natin araw-araw. Nakakapag ayos-ayos nga tayo bilang pakisama sa ibang bahay minsan, pero sa tahanang kinaluluklukan hindi o bihira lang. Napapagbuksan natin ng pinto ang ibang tao at nakakalimutan ang kasama natin. Ganyan din sa sarili natin, ang lakas nating sumita ng pagkakamali ng ibang tao pero pag dating sa ating sarili, perfect, ang tingin natin at walang mali.

Nasaan dun ang katayuan natin sa maayos na pakikisalimuha sa sarili at sa kapwa? Sayang ang kultura na unti unting nanlalabo dahil sa mga palusot natin. Ako rin napapansin ko yan sa sarili ko. Pero anong magagawa ng pagpansin kung hindi ko aakuin. Maliit na bagay lang siguro ito kung ikukumpara natin sa mga problemang pambansa o pang buong mundo. Ngunit ang malaking bagay nagsisimula din yan sa maliit, hindi ba? Ano kaya ang mararating natin kung simulan natin sa ating mga sarili na makisama ng maayos? :)

DarkKnight (R.F.)

2 comments:

  1. wow! mahilig ako sa arts at gusto ko pang matuto at pag-ibayuhin ang pag-drawing ko pero ang taas ng pagtingin ko sa mga foot and mouth artists/painters. meron akong 2012 calendar na every month eh featured ang works ng iba't ibang foot and mouth artists like peardon, maczka, opperman, et al. at ngayon nadagdagan pa si -- j sasutona! galing!

    going back to your post (sorry na-excite lang dun sa mouth artist) depende sa pakikisama dahil may pakikisamang makasasama sau at saung kaibigan at meron namang nakabubuti... if it's for the better, go for it! agree ako sa sinabi mong nasa atin kung anong klaseng pagkato ang ipapakita natin.. sa aking pananaw, makisama sa tamang pakikisama.. dahil kung hindi, baka ang pakikisama ay ating pang ika-sama. =)

    ReplyDelete
  2. OO aksidente lang nga ang pagkahanap ko ng picture ng painting ni J Sasutona naghahanap kasi ako ng picture na bayanihan. Atleast na promote ko pa artwork nya dito sa site.

    Lahat ng samahan pwedeng ma poison dahil walang perfect, siguro kailangan lang nating matutong makisama ng maayos. Makikita naman natin kung nakakasama o nakakabuti ang samahan.

    ReplyDelete