Friday, January 13, 2012

namumuhunan ba tayo sa oras natin o nagaaksaya lang? (tanong na palaging sasagi sa ating kaisipan)


 ORAS

Tanungin mo ang halaga ng Isang Taon para sa isang estudyanteng bumagsak.

Tanungin mo ang halaga ng Isang Buwan para sa isang ina nagsilang ng premature na sanggol.

Tanungin mo ang halaga ng Isang Linggo para sa isang editor na linggu-linggong naglalabas ng lathalain.

Tanungin mo ang halaga ng Isang Oras para sa dalawang taong malayong nagmamahalan.

Tanungin mo ang halaga ng Isang Minuto para sa isang taong naiwanan ng tren.

Tanungin mo ang halaga ng Isang Segundo para sa isang tao na nakaligtas sa aksidente.

Tanungin mo ang halaga ng Isang MiliSegundo para sa isang manlalaro na nanalo ng ginto.

Pahalagahan mo/natin ang bawat oras na lumilipas. Tandaang hindi na mauulit ang mga ito. Maraming oras na akong/tayong sinayang para sa mga bagay na akala natin ay makakapagpasaya sa atin ng totoo. (unknown author)

3 comments:

  1. hahaha! nakaka-relate naman ako d2..
    "Tanungin mo ang halaga ng Isang Minuto para sa isang taong naiwanan ng tren."
    pero sa akin, instead na tren "shuttle"..

    oo..ang oras ay mahalaga... tulad ng pagpaparamdam ng pagmamahal at pagsasabi ng "mahal ko po kayo" sa ating mga magulang at mahal sa buhay...

    oo..ang oras ay mahalaga... tulad ng paghinga, pagtibok ng puso at kaisipang taglay...

    oo..ang oras ay mahalga... tulad ng unang pag-iyak ng bagong silang na sanggol na nagbibigay ngiti sa kanyang magulang

    at oo...

    ang oras ay nababalewa... tulad ng isang bagay at pag-ibig na di nabibigyang pansin kapag andyan nguni't hinahanap at nais balikan kung itong nawala..

    tik tok...tik tok...tik tok....t...i...k...t...o...k...

    To GOD be the glory till eternity! =)

    ReplyDelete
  2. Ang galing nga ng sumulat nito universal ang message at simple lang!

    ReplyDelete