Friday, January 13, 2012

Resolusyon o Nais ( Resolution or Wish )


Sa pagdating ng bagong taon halos lahat tayo ay may kani-kanyang NewYear's Resolution. Sa araw na ito, sa ika labing tatlong araw ng Enero ng taong 2012, marami sa atin ang nagsisimulang tuparin ang mga resolutions. Yung iba naman ay nasa kalagitnaan na ng resolution nila dahil ilang araw nalang ay susuko na, ang iba naman ay matibay na itutuloy kahit ano pa ang mangyari. May mga iba naman na  maluwag sa kalooban nila ang pagtanggap kung matutupad nga nila ang mga resolusyon nila sa taong ito o hindi, sapagkat alam nila na kahit ilang beses sila hindi magtagumpay makakapag simula ulit sa ano mang parte ng buong taon.

Siguro nasa pag tingin lang natin ito sa kung ano man ang nararapat para maitupad natin ang pagbabagong nais nating mangyari sa buhay natin. Una sa lahat kaya nating naplano na magkaron ng goal na baguhin ang mga bagay na nais baguhin, sarili na rin natin ang nagsasabi na nasa tamang panahon na rin kaya nakapag pasya. 

Ang dapat lang natin tandaan sa palagay ko ay malaman natin ang pagkakaiba ng Resolution sa Wish. Ang Resolution may responsibilidad, ang Wish wala. Ang kadalasang definition natin sa wish ay mga bagay na aantayin nating iba ang magaabot para sa atin ng walang pagod. Tulad ng mga bagay na kayang ibigay ni Genie na nasa loob ng lampara. Ang taong may resolution (paglutas or kapasiyahan ) ay lilingon at tutungo sa daan papunta sa kung ano mang pagbabago ang gusto nyang marating. Ang taong meron lamang Wish ( nais ), magaantay lamang at wala ni isang hakbang man lang silang gagawin para lumapit sa kanilang inaasam. 

Iba yung may maliit na pagbabago sa wala. Sa araw-araw nating mannerisms makikita na rin natin ang sasapitin natin sa kinabukasan. Kung mahilig tayong kumain ng sobra, matatamis at maalat, malamang nga na madagdagan ang timbang natin. Sa example na ito mas madaling lagyan ng resolution (paglutas o kapasiyahan) ang pagtungo natin sa hapag-kainan para ang responsibilidad na kailangan ay para lang sa oras na yun, sa pag-upo natin. Moment by moment ika nga, kesa sa napakalaking wish na se-sexy na lang ako balang araw ng walang hakbang na ginagawa.

Kahit na maliit na hakbang sa pagbawas ng kain, pagiwas sa matatamis at maalat. Sa tatlong beses ng pagkain sa isang araw may pagunlad. Isipin na lang natin ang mararating ng isang linggo, sa isang buwan, sa anim na buwan, sa isang taon. Ang maliit na bagay sa isang araw kapag pinagsama sama mo yan sa isang buwan, malaki na rin. Mabilis ang panahon at ang nakakalungkot dun hindi na rin natin pwedeng ibalik. Use it or lose it.


Sa kabilang banda, isipin din natin ang mga positive na mararamdaman natin sa mga pagbabagong mararating natin base sa example natin sa pagkain. Gaganda at gagaaang ang pakiramdam natin hindi ba? tayo din ang makikinabang. Magandang inspiration din ang mga epekto ng mga pagbabagong maisasatupad natin. Something to aim for! Kesa mabigat nating dadalhin ang mga  pagbabago o adjustments patungo sa ating mga goals.

Ang bottom line sa akin persepsyon lang ang New Year's Resolution. Maari tayong magkaron ng resolution sa kahit anong araw ng buong taon. Kahit ilang beses pa sa isang araw. Sa katunayan, opinion ko lang, ang new year's resolution ay maaring maghatid sa atin sa demoralized state at iwanan na lang o talikuran ito. Mas magandang baguhin ang lifestyle kesa sa isang parte lang ng buhay natin ang aayusin. Lahat ito babalik sa katapatan (sincerity) natin sa sarili. :)

DarkKnight (R.F.)

2 comments:

  1. "Ang Resolution may responsibilidad, ang Wish wala" ito ang pinakagusto kong phrase. inspiring! keep on writing bro!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa comment and encouragement Rom at salamat din sa pagbisita mo dito! :) napansin ko kasi walang taong maayos ang buhay at the same time irresponsible. i'll keep trying to write thanks ulit!

      Delete