Madalas nating mabigyan ng ibang context ang akala nating gusto natin para sa ating sarili. Tulad ng halimbawang sa pagreview sa test natin sa eskwelahan. Kaya tayo nag rereview para makapasa hindi para madagdagan ang ating kaalaman. Kasi kapag nakapasa daw tayo at makagraduate na may mataas ang antas doon daw magmumula ang pagkakaroon ng maganda at mas siguradong kinabukasan. Minsan ang mga tao nagpapasakal kahit mali ang rason ng pagiisang dibdib; para makasigurado lang na hindi sya magisa sa pagtanda nya o kung ano pang kanya-kanyang personal na mga rason maliban sa authentic na pagmamahalan. Pati sa pagdasal, isa sa malaking rason kaya natin ginagawa ito para sa kasiguraduhan na makuha natin ang gusto nating makamit, hindi dahil sa walang bahid ng anumang pansariling kagustuhan sa pagmahal at pagpuri sa Dyos. Tapos kapag hindi natin nakamtan ang inaasam tatawagin nating "unanswered prayers". Sa totoo lang para sa akin lahat ng dasal sinasagot nya kaya lang ayaw nating tanggapin kapag ang sagot nya hindi o mag-antay ka muna. Yun na yung sagot nya. Ayaw lang natin sumunod sa kung anong gusto nya para sa atin.
Ganon pa man, siguro talagang mananaig pa rin ang pagkamaako (ego) na ugali natin dahil sa rason na walang kasiguraduhan ang buhay. Hindi natin ma-control ang lahat patungo sa gusto natin. Kaya rin siguro ang karamihan sa atin (pati ako) takot sa mga changes o pagbabago. Nagkakaroon kasi tayo ng kakayahan na bihirang makuha ng nakakarami sa kamay ng katiyakan. Pero sa akin kahit ang mga mayayaman wala pa ring seguridad sa ano mang kapahamakan. Ang isang matapang at malakas na sundalo wala ring katiyakang matitira syang nakatayo pagkatapos ng isang malaking labanan o gera. Kahit ang mga matatalino maari pa ring magkamali sa huli. Hindi mo pwedeng malaman lahat ng bagay sa buhay. May mga pagkakataon nga na alam na nating mali, pero nakukuha pa rin nating gawin.
Dapat nga ba tayong mamuhunan sa paraan ng sigurado? Meron nga bang kasiguraduhan? Siguro nakasalalay lahat ng mangyayari sa magiging reaction natin sa bawat bahagi ng sitwasyon na ating kinalalagyan. Depende kung ano ang mood natin sa eksaktong oras na yun. Lahat ng desisyon natin ay gumagawa ng momentum, maaring masama o maaring mabuti. Ang paraan ng mapagkumbabang tao ang sumagi sa akin dahil ang atensyon hindi nakatutok sa sarili, kung hindi sa kung ano ang ipagkakaloob. Hindi ibig sabihing hindi na tayo kikilos at kung ano nalang ang ibigay sa atin. Gawin ang makakaya, kung anong marating magpasalamat pa rin. Sa pagkapit natin sa kasiguraduhan na akala natin ay atin, palaging isipin na may posibilidad pa rin na mabigo tayo sa oras na hindi tumugma ang katiyakang inaasahan.
Maari ngang walang kasiguraduhan sa buhay pero kung pagsusumikapan natin na makamit ang magmahal ng tapat at ang tapat na kagustuhang madagdagan ang kaalaman upang mas lumawak pa. Doon siguro natin makakatagpo ang kasiguraduhan na ating hinahanap.
Dark Knight R.F.
There is nothing permanent in this world but change. The only thing we can do is to be open to changes, embracing enough courage and preparing ourselves with enough knowledge to face life's uncertainties.
ReplyDeleteExactly Ivana life does not stop and freeze frame it is continuously flowing, change is inevitable we all just need guidance to have the discernment of picking the ones that will take us to become a better person. I think that guidance also is residing within us we just have to learn to trust it and learn how to listen to it. Thanks for taking the time to read this blog :)
Delete