Friday, March 23, 2012

Pinoy Resilience: from hope or hatred?

perspy.com
Bilib ako sa resilience ng mga Pinoy. Kahit saan mo dalhin, mabubuhay, magaling dumiskarte. Kayang-kaya magtiis at magtyaga. Tag-init at tagtuyot, umulan o bumagyo, winter, spring, summer or fall, yakang-yaka mag adapt at mag adjust. Manipis na pahid ng mantikilya o liver spread sa tasty o pandesal at kape, konting sardinas o tuyo at maraming kanin, gulay o de lata para makamura, solve na! Kapag maiksi ang kumot, walang problema sanay bumaluktot.


Resilient-1.springing back; rebounding, 2.returning to the original form or position after being bent, compressed or stretched, 3.recovering readily from illness, depression, adversity or the like; buoyant...ang sabi ni Mr. Dictionary.com. Isang character na nahihirapan ang karamihan. Lalo sa saklap na lumaglag na pag-ibig, ang hirap bumangon diba? Hindi rin biro kasi ikaw lang magisa mo ang aakay sa sarili mo para makamove-on. Kahit na sabihin mong maraming nakikiramay sayo. Pero kadalasan ang daily grind o araw-araw na pakikipag-tunggali sa kahirapan ang umiibabaw dahil mas marami ang sangkot.  May pinagkaiba nga ba ang bigong pag-ibig kumpara sa walang humpay na kahirapan? Ang alam ko parehong masakit at parehong araw-araw mong gagapangin, ang mabigo ka sa irog o ang pagkalam ng bituka sa gutom. Lalo pa siguro kung sabay mong tatahakin. 

It's all about our attitude. Kung pano ka magreact sa dilubyong tinatamasa. Masasagad ang tunay mong pagkatao, lalabas ang totoo mong kulay. Kung ano ang pagkatao mo sa ilalim ng kamay ng pagdurusa malamang yun ang natural mo. Nakakabilib mga taong nakakapit sa pamamaraan ng pag-asa at marangal na pamumuhay sa gitna ng lahat. Meron namang taong may mentalidad na  kailangang maging mangahas o ruthless para makatawid at mabuhay. Matira ang matibay, kapit sa patalim. 

May pagkakaiba para sa akin ang pagkumparang nabanggit. Ang resilience na nagmumula sa hope at faith, respectable at honorable kahit naghihikahos. Sa akin that is extraordinary living. Dahil nangingibabaw parin ang matuwid  na pakikisalimuha at walang hangad na masama sa kapwa. Isang klaseng resilience din ang nakikita ko, yung mula sa selfishness na may halong galit, na ang tema ng isip ay "kailangang magnakaw/mang-aabuso, para mabuhay." Sa akin that is an ordinary way of living. Kasi madaling maging ganyan, kahit sino kaya yan. Pero wala ring akong karapatang isa-walang bahala kung gano kahapdi at nakakapagod ang pagiging maralita, pamilyar din kasi ako dyan. Tanging Dyos lang ang makakahatol talaga sa lahat ng kilos natin.

Nasaan ba ako dun sa dalawang klase ng resilience na inilarawan?Ang tanong ko sa aking sarili. Habang nakikibagay sa kalagayan na nakakalungkot na pagbagsak ng ekonomiyang pang buong daigdig.  Dapat ko nga bang alamin yon kung saan ako sa dalawa? Eh ano ngayon kung malaman ko? Bahala na lang!

Naniniwala ka ba sa kasabihang: kung ano ang  inutang mo, pagbabayaran mo.(KARMA) Kung totoo nga ang karma, papano pa ako makakabangon sa pagkalugmok sa ka-dukhaan, sa walang habag na paraan, kung patuloy akong uulanin ng paulit-ulit na pagbayad sa mga kinauutangan. Para lang akong umapak sa kumunoy na walang tigil akong hihigupin pailalim kahit anong pagpupumiglas. 

Habang nabubuhay tayo palagi tayong kailangang pumili, ano nga ba sa dalawa? Extraordinary living o Ordinary living? Meron nga bang kahalagahan na tinutumbok ang article na to? O baka naman isa lang itong aksaya ng oras sa pagsulat para labanan ang boredom. Ipapaubaya ko na sayo ang pag pasya kabayan. Ikukubli ko na lang rin ang sagot ko sa aking sarili. Magandang araw sayo! :)


Dark Knight (R.F.)



No comments:

Post a Comment